gigli-1

Kusang tinanggal  ng Pentagon ang kanilang twitter account matapos palokong nag-post ang kanilang agent tungkol sa pam-bobomba sa mga sinehan ng Davao dito sa Pilipinas. Matapos binomba ang SM Ecoland Cinema 1 at Gaisano Cinema 5, agad may tweet ang Pentagon na dahilan ng pam-bobomba ay pag-papalabas ulit ng pelikulang “Gigli” na palpak sa takilya. Ayon sa tweet ng Pentagon: “Bad ppl doing bad thing didn’t warrant bad movie reference. Will punish #socialmedia rep by forcing 2 watch Gigli.”At matapos binaha ng negatibong reaksyon ang Pentagon, nagpalabas sila ng pahayag dahil daw ang kanilang tweet ay “poor taste” at humingi ng paumanhin sa publiko.

Agarang inanunsyo naman ni Pentagon Press Secretary George Little na dinisiplina na nila kanilang mga empleyado na sangkot sa iresponsableng pahayag sa twitter, dahil hindi kailanman iko-konsidera na kalokohan ang anumang pangbobomba gamit ang IED. (Yahoo)