soda

Halos lahat ng tao sa buong mundo ay umiinom ng soda, sa katunayan 50% ng populasyon sa America ay umiinom nito. Sa kabila ng matamis at masarap nitong lasa ay ang masamang epekto nito sa kalusugan at nagdudulot ng iba’t ibang karamdaman.

Ayon sa kasalukuyang report ng Journal of the American College of Cardiology ang soda ay nagtataglay ng fructose na gawa sa corn syrup na nagiging sanhi ng sakit na obesity, cardiovascular disease at type 2 diabetes. Ito ay inilathala sa http://fitlife.tv/soda-a-sweet-way-to-die_original/. Samakatwid, sa bawat pag-inom mo ng soda ay unti-unti mong kinikitil ang iyong buhay. At maaring 26% ang pagtaas ng sakit na type 2 diabetes at 16% naman ang posibilidad na pagtaas ng stroke patients. Matamis nga ang lasa pero masaklap ang resulta.

Kaya iwasan ang pag-inom ng soda upang humaba pa ang iyong buhay. Uminom ng tubig na may fulvic mineral para makaiwas sa nakakamatay na sakit tulad ng diabetes at sakit sa puso. Maging healthy palagi para maging masigla at masaya araw-araw.

pinagmulan ng imahehttp://vividlife.me/