Kapag kulang ng Calcium ang katawan, maaaring mauwi sa Osteoporosis. Nagiging marupok ang buto dahil sa pagkawala ng bone tissue. Maaaring mabilis na mabali ang buto kapag nagkaroon ng aksidente. Maaari ring mauwi ito sa tooth decay o pagkasira ng ngipin. Isa sa mga sintomas ng Calcium Deficiency ay pagkabulok ng ngipin. Maliban sa ngipin, nagiging marupok din ang Kuko. Mabilis ding pulikatin habang nagjo-jogging, lumalangoy o kapag nagbibisekleta. Palatandaan din ang madalas na ubo, lagnat, at trangkaso.

Maliban sa pagkakaroon ng matibay na buto, ang Calcium ay importanteng mineral din para sa iba pang parte ng katawan. Ang Calcium ay importante para sa kuko, ngipin, muscles, at iba pang immune system. May mga natural na pagkain na makukuhanan ng calcium araw-araw kagaya ng green leafy vegetables, repolyo, Okra, Soya, almonds at isda. Mataas din sa Calcium ang Sesame seeds, Broccoli, Papaya at Orange.

At kagaya ng iba pang mineral, ang Calcium ay mahalaga sa malakas na immune system. Ang calcium ay para rin sa colon, makakatulong  ito sa pag-iwas sa colorectal cancer. Sa bawat 300 milligram na karagdagang calcium sa katawan ay 8% na pagbaba ng posibilidad na magkaroon ng kanser. Sa ginawang pagsusuri ng mga scientist sa pamamagitan ng meta-analyses, nakumpirma na ang karagdagang calcium intake ay nakakatulong laban sa cancer lalo na kung ang pinagkukunan ng calcium ay natural na pagkain gaya ng soya.

Ang soya ay mayaman sa calcium. Makukuha rin mula sa soya ang 19% ng calcium na kailangan ng katawan bawat araw.

Ang Soya Powder ay available sa Dok Alternatibo branches. Visit Dok F Soya Powder facebook page sa iba pang detalye.