Arestado ang isang Earl Vincent Calma sa mismong opisina nito sa 4th floor of ACC Building, Sandawa Park, Quimpo Boulevard, Davao City noong lunes sa isinagawang raid ng Talomo Police Station na pinangunahan ni Police Chief Inspector Ronald Lao kasama ang intelligence operatives and investigators ng DCPO, Special Weapon and Tactics (Swat) ng Davao City.

Ito’y sa bisa ng warrant of arrest na inisyuhan ni Judge Emmanuel Carpio noong Disyembre 4, 2017 sa salang paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act para sa illegal possession of firearms and explosives.

Nakumpiska sa kamay ng suspek ang dalawang M4 rifle Bushmaster; dalawang walong grenade launchers/M203,585 live ammunition of M16; 543 pieces live ammunition of caliber .45, 235 pieces live ammunition of 9mm, 60 pieces live ammunition of M14 rifle, 46 live ammunition of caliber 22, at16 pieces empty short magazine.

Nakuha din sa kamay ng suspek ang pitong  walang laman na magazine, tatlong bandolier ng M16 magazine, mga walang laman na cartridge, pistol belt, pouch, at tatlong mahabang baril na nakasilid sa itim na bag.

Ayon naman kay Davao City Police Office spokesperson Police Senior Inspector Ma. Teresita Gaspan nakasunod umano ang isinagawang search warrant  sa standard operating procedures.Sa ngayon,nasa kustodiya na ito ng Talomo Police Station at kasalukuyang dumadaan na sa iba pang imbestigasyon.

 

BY: CHARLYN TORALBA