12112477_1209488982401678_7955684651944693523_n

Ni: Joy Quijano

Sa pagdiriwang ngayong Oktubre ng International Coffee Day pinapaalala ng mga eksperto na piliin ang tamang kape na makakatulong sa kalusugan. Araw-araw dalawang bilyong tasa ng kape ang iniinum ng mga tao. Malaking bahagi ng produksyon ng kape ay mula bansang Brazil. Ang Pilipinas ay nasa ika-25 pwesto sa mga nangungunang bansa na mahilig uminom ng kape. Lingid sa kaalaman ng marami ang mga kapeng nabibili sa murang halaga ngunit may masarap at matamis na lasa ay may nakakalasong sangkap kagaya ng hydrogenated oil atĀ  trans fats na lubhang nakakasira para sa puso at pangkalahatang kalusugan.

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na ang nagungunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo ay ang sakit sa puso. Noong 2012 17.5 milyon katao ang namatay dahil sa cardiovascular diseases. Habang tumataas ang bilang ng mga taong nahihilig sa kape, tumataas rin ang bahagdan ng mga taong nagkakasakit sa puso. Ang coffee creamer, 3 in 1 coffee ay kadalasang hinahaluan ng trans fats at hydrogenated oil. Hinahalo ito upang mapatagal ang shelf life ng isangĀ  produkto.

Nakasalalay rin sa uri ng trabaho ang pag-inom ng kape. Kapag nasa media, BPO at security industry kinakailangan ng pampagising sa kamalayan kagaya na nga ng kape upang mapanatiling gising at aktibo ang isipan. Ang malaking tanong sa mahihilig magkape ay kung tama ba ang kape na hinihigop araw-araw, ang kape ba na bumubuhay sa isipan ay nakakamatay ba?

Maging mapanuri sa kape at huwag isawalang-bahala ang isyung pangkalusugan na nakasalalay sa bawat higop ng kape.