cigarette edited

Ni: Miraflor Artiaga

Ayon sa mga eksperto mayroong 4,000 na iba’t ibang uri ng lason sa karaniwang sigarilyo. Kaya ang paninigarilyo ay hindi lang nakakasama sa ating kalusugan kundi mayroon itong lason na sumisira sa bawat selyula ng ating katawan. Gaya nalang ng nicotine na isang nakakaadik na kemikal, carbon monoxide na isa ring uri ng kemekal na matatagpuan sa tambutso ng mga sasakyan, at ang hydrogen cyanide na isang kemikal na nasa bomba.

At alam nyo ba na 80% ng mga pasyenteng may lung cancer ay sanhi ng paninigarilyo?  Hindi lang kanser sa baga ang masamang epekto ng sigarilyo kundi pati na rin ang kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa bato, kanser sa tiyan, kanser sa pantog, kanser sa matris, at iba pa. Sa mga babae ang paninigarilyo habang buntis ay maaring makasira sa pagbubuntis at panganganak at posibleng maapektohan ang sanggol. Sa mga lalaki naman, ito’y maaring makapagdulot ng pagkabaog at impotency.

Hindi lang yan, bawat usok ng sigarilyo na ibubuga mo ay siya ring paglanghap nito sa pamilya mo at mga taong nakapaligid sayo. Ito ay makapagdulot din sa kanila ng kanser, pulmonya, problema sa paghinga, impeksyon sa tainga at hika.

Kaya alagaan ang iyong sarili at kalusugan, mahalin mo ang pamilya mo at mga kaibigan. Tigilan na ang lason ng sigarilyo sa iyong katawan. Hindi yosi ang magpapasigla sayo, kumain ka ng masaganang pagkain na may bitamina at minerales upang maging malusog ka araw-araw. 

pinagmulan ng imahe: http://www.rtmagazine.com/commons.wikimedia.org