Pinatikim ng Golden State Warriors ng 29 points na tambak ang Portland Trailblazers at nagtapos ang laro sa iskor na 110-81.

Ginanap ang game 2 ng dalawang koponan sa Oracle Arena, Oakland para sa unang round ng 71st Season ng NBA playoffs.

Bumida si Stephen Curry sa laro at kumamada ng 19 points, 5 rebounds at 6 assists.
Samantala, magsisilbi ito bilang ikalawang panalo ng Warriors mula sa best-of-7 series ng dalawang kuponan.