Ikinalulugod ng Dok Alernatibo Business School ang pagtatapos ng mga iskolar at estudyante nito ngayong araw  ika-27 ng Abril sa Butterfly Garden, Prime Business Complex, Brgy. Tiguman, Digos City.  Sa pangunguna ng President/CEO ng Dok Alternatibo, Asia’s holistic healing and life coach, inventor Dok Ed Delibo ito na ang pangatlong Commencement Exercises na may temang “From teaching to Coaching—1 Step Higher”. Ang coaching program ng Dok Alternatibo Business School ay isa lamang sa napakaraming programa na makakatulong sa mga kabataan upang maging matagumpay sa buhay, hindi lamang sa kanilang karera kundi maging sa kanilang relasyon at pakikitungo sa iba, kung paano makontrol ang emosyon, maging malusog at higit sa lahat paano maging holistically healthy.

Kapartner din ang 1ASAPPP Movement sa tagumpay na ito dahil suportado din ng organisasyon ang mga estudyanteng iskolar. Ayon kay Sir Clovis Jones Louis Sabornido, DARADFI Business School Administrator, “Malaking bagay para sa atin na makatulong sa mga kabataan at upang matulungan sila hindi lang sa pag-aaral ngunit pati na rin kung paano umasenso. Congratulations sa lahat ng magtatapos at sa kanilang mga magulang na pinili ang Dok Alternatibo Business School bilang tulay sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Malaki naman ang pasasalamat ni Jerben Entierro bilang Healthcare Services NCII working scholar sa COO/HR Office ayon pa sa kanya “Napakarami kong natutunan dito sa Dok Alternatibo hindi lang skills dahil maging life skills ay itinuro rin ni Dok Ed sa amin. Napakalaking tulong nito sa akin at sa aking pamilya. Habang-buhay akong magpapapsalamat sa Diyos, kay Dok Ed at sa mga taong naging bahagi ng aking tagumpay. Congratulations din sa lahat ng mga scholar at graduates!”