Ilang beses ba dapat sabihin ang #StopMediaKillings? Ilang broadcaster pa ang hahandusay sa kalsada dahil sa pagsisiwalat ng mga iligal na gawain ng mga nasa matataas na pwesto ng gobyerno?

Bagong biktima: Si Christopher Iban Lozada

Bukod sa pagdadalamhati ng pamilya Lozada, nagdadalamhati rin ang mga residente ng Bislig City matapos ma-ambush patay ang media man at Prime FM – Bislig station manager na si Chris Iban Lozada o mas kilalang “Dok Chris” o “Chris Rapido”.

Base sa kwento ng mga residente ng Purok 5, Brgy Coleto, sunud-sunod na mga putok ng baril ang kanilang narinig dakong alas 9 ng gabi. Base sa mga nakasaksi, may umaaligid na kulay Gray na HiAce Van na walang plate number na pinaghihinalaang may kinalaman sa krimen. Nagulat na lamang sila nang makita ang isang Toyota Vios at ang nakahandusay na katawan ni Dok Chris na naliligo na ng dugo. Basag ang windshield ng sasakyan. Samantala, may tama rin ng bala ang kanyang kinakasama na si Honey Faith, na sa ngayon ay nasa operating room na sa isang pagamutan doon.

Humingi ng proteksyon

Base sa dokumentong ipinalabas ng Head of Legal Department, at Dok Alternatibo COO Clovis JL Sabornido. Nabatid na humingi ng police assistance si Dok Chris noong Oktubre 4 bilang proteksyon sa kanyang buhay dahil sa mga natatanggap na death threat bunsod umano ng pagkaka-dismiss ng Ombudsman kay Bislig Mayor Librado Navarro.

Makikita na ipinadala rin ito sa Office of the President, Presidential Action Center, at kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Kaya lang, walang tugon sa hinihinging proteksyon.

Nabatid na inereklamo ni Lozada si Mayor Navarro at iba pang public officials ng kasong Grave Misconduct kaugnay sa diumanoy maanomalyang pagbili ng Hydraulic Excavator sa halagang P14.75-million.

#HustisyaParaKayChrisLozada

Ayon sa kapwa broadcaster, at Dok Alternatibo CEO na si Dok Ed Delibo, kinokondena niya ang pangyayari lalo pa at isa na namang tapat at may paninindigan na miyembro ng media ang napatay. Inaasahan nitong makakamit ang hustisya sa lalong madaling panahon.

Pakinggan:

Ayon sa Prime FM Bislig, bagamat may dumating na pulis at mga tauhan ng DILG sa kinaroroonan ng bangkay ni Dok Chris alas 9 ng gabi, nabatid na na-delay naman ang pagdating ng team ng SOCO, kaya alas 2 na ng madaling araw nailipat ang katawan nito.

Death Threats

Samantala, ayon sa Head of Prime Broadcasting Network at 1ASAPPP National chairman, Chief Edel Roderos, ilang araw na ang nakararaan ay nagkausap pa sila ni Dok Chris tungkol sa mga banta sa kanyang buhay.

Image may contain: 2 people, text No automatic alt text available.

Pakinggan:

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang krimen.

Hinihikayat naman ngayon ang mga supporters at symphatizers na gamitin ang #JusticeForChrisLozada sa Social Media.